Saturday , November 8 2025
antoinette taus

Antoinette Taus iginiit: di nabuntis, walang anak

HATAWAN
ni Ed de Leon

IKINAILA ni Antoinette Taus ang mga tsismis noong araw na kaya siya nagpunta sa US ay dahil nabuntis siya at itintago niya iyon. Isipin ninyo, ang love team nila ni Dingdong Dantes noon ang itinuturing na number one. Noong mawala na lang iyon at saka nakaangat sina Angelu de Leon at Bobby Andrews.

Hanggang sa Angeles City na may sikat na fried chicken house sina Anoinette, sinusubaybayan siya ng fans, para malaman kung buntis nga ba siya o hindi, eh wala naman silang nakitang lumaki ang tiyan hanggang sa umalis patungong US. Kaya naman sila tumuloy sa US at nagtagal doon ay dahil nga nagpagamot ang ermat niyang may cancer at gusto naman nilang sila ang mag-alaga roon hanggang sa huling sandali.

Yumao na nga ang ermat niya, kaya umuwi na rin silang muli sa Pilipinas. Ewan kung sila pa ang nag-o-operate ng Angeles Fried

Chicken o hindi na. Pero noong araw, iyon ang sikat na sikat at sinasabing pinaka-masarap na fried chicken sa Angeles City.

Ngayon sinasabi nga ni Antoinette na kung siya ay may anak, hindi niya itatago iyon sa publiko kundi ipagmamalaki pa niya. Ewan nga ba kung bakit nagkaroon noon ng ganoong tsismis pero maugong iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward mukhang reyna ng Thailand

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga sa kagandahan ni Jillian Ward na nagmukhang reyna sa kanyang mga litrato …

Will Ashley

Will Ashley kakasuhan mga basher

MATABILni John Fontanilla NAGPUPUYOS sa galit ang tinaguriang Nation’s Son at Kapuso actor na si Will …

Ysabel Ortega

Ysabel takot sa elevator, gustong gumanap na vampire

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY trauma pala sa elevator si Ysabel Ortega. Ito ang nalaman naman …

Viva Movie Box

Viva inilunsad, VMB — bagong vertical content streaming platform 

MATAGUMPAY na inilunsad ng Viva Communications Inc., ang Viva Movie Box, isang bagong streaming platform na idinisenyo …

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …