MATABIL
ni John Fontanilla
MAITUTURING na pinakabatang CEO ng Skin Care Products si Abdania “Iya” Galo ng Beauty Wise na 18 years old pa lang.
At kahit bata nga si Iya ay patutunayan nito na kaya niyang palaguin ang kanilang negosyo.
Alam ni Iya na malaki ang responsibilities ng pagiging CEO, pero handa niyang harapin ang challenges na kanyang dadaanan bitbit ang pagiging masipag at focus sa trabaho.
At kahit bagets pa ito ay hindi mahilig gumimik at mag-party, bagkus ay mas gusto niyang mag-focus sa negosyo na namana niya sa kanyang ina na siyang nag-train sa kanya sa pagnenegosyo.
Kasabay ni Iya na ipinakilala sa isang bonggang launching at presscon na ginanap sa Luxent Hotel sa Timog, Quezon City ang Miss World Philippines 2021 na si Maureen Tracy Perez na siyang magiging katuwang ni Iya sa pagpo-promote ng Beauty Wise.
Taglay ni Maureen ang ganda at talino para maging mahusay na endorser at spokeperson ng Beauty Wise.