MATABIL
ni John Fontanilla
BLOOMING at napakagandang Ellen Adarna ang humarap sa entertainment media sa inauguration at ribbon cutting Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center na ginanap sa 23rd Floor ng Ore Central Tower sa BGC, The Fort.
Isa si Ellen sa ambassador ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center along with Sanya Lopez. At bago ito kinuhang ambassador ay nasubukan na ang serbisyo ng Shinagawa, na seven years ago ay nagpa-lasik (laser eye surgery)
dahil sobrang taas na ng grado ng mata niya at sobrang happy siya sa magandang resulta dahil luminaw ang kanyang paningin.
Kaya naman nang alukin siyang maging endorser ng Shinagawa ng president nitong si Ms. Masako Uemori, ay mabilis iyong umoo.
Sa ngayon lay hihinto muna ito sa pag-arte sa pelikula at telebisyon at mas gusto nitong tumanggap ng endorsement, dahil mas priority nito ang family nila ni Derek Ramsay at nagpaplano na sila na magkaroon ng sariling baby.
Ibinahagi ni Ellen kung ano ang nagustuhan sa kanya ni Derek, “Ewan ko. Siguro, sinasabi ‘yung pagka-bitch ko raw hahaha.
“But I don’t know. I think we just really met at the right time. ‘Coz I think if we met when I was younger and he was younger, I don’t think it will work,” anito.
Ibinahagi rin ng mommy ni Elias kung ano naman ang nagustuhan niya kay Derek. “Wala akong doubts, wala akong questions, walang confusion and nakikita ko ‘yung dynamics niya with his family, and the values are very, alam mo, parang magkapareho, so hindi na mahirap.
“And of course, nakikita ko how he is with Elias, so parang no question, ito na nga. Guwapo na, tapos maayos pa, ano pa bang hihilingin ko, mahal pa ‘yung anak ko,” paliwanag ni Ellen.
Sinagot din ni Ellen ang tanong tungkol
sa reputation ni Derek sa showbiz na ‘may pagka playboy.’ “Ako rin naman, may reputation, so it’s a tie, ‘di ba?”
At kung magkaka-baby sila ni Derek, ayaw niya ng kambal dahil mahirap magbuntis. Baby girl ang gusto ni Ellen at baby boy naman ang gusto ni Derek.