Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Forteza Angeli Khang AJ Raval

Barbie pa-sexy na rin daw: Matapatan kaya sina Angeli Khang at AJ Raval?

HATAWAN
ni Ed de Leon

HANDA na raw magpa-sexy si Barbie Forteza at makipag-kissing scene pa kung iyon ang kailangan para umusad ang kanyang career. Ewan kung sino ang nagbibigay ng ganyang idea kay Barbie, pero kailangan muna siguro niyang isipin ang image niya.

Wholesome kasi ang image ni Barbie sa simula pa at doon siya nagustuhan ng kanyang fans. Baka manibago sila kung magpapalit na bigla ng image si Barbie. 

May palagay kami na may kinalaman iyan sa ginagawa nilang team up kay David Licauco. SI David kasi sexy ang image sa simula, at nang magpaka-wholesome at iniwasan na ang pagsusuot ng briefs sa mga pictorial, iba ang naging dating sa supporters niya. Eh si Barbie naman napaka-wholesome kaya naman siguro gusto nila magpa-sexy na rin si Barbie.

Ang unang dapat isipin ni Barbie ay maninibago ang kanyang fans. Ikalawa, dapat niyang isipin na walang sexy star na tumagal ang career. Sisikat nga sila nang mabilis sa una, pero basta nailabas na nila ang lahat. Babagsak na sila. Sino bang bold star ang tumagal ang career?

Isa pa, isipin muna ni Barbie kung makasasabay ba siya sa mga sexy star ngayon. Kaya ba niyang sabayan sina Angeli Khang, o maski si AJ Raval man lang? Magbibilad ba siya ng kanyang katawan?

Dapat pag-aralang mabuti iyan ni Barbie bago siya gumawa ng desisyon at lalong masilat ang kanyang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …