HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI alam ng isang male starlet kung ano ang gagawin niya sa buhay. Wala naman siyang makuhang project kundi maliliIt na gay series na inilalabas lang naman ng libre sa internet. Umaasa sila na baka sakaling may pumasok na sponsors para kumita sila at ginagawa nila iyon ng libre. Pagkatapos maipalabas, kung may sponsors at saka lang sila mababayaran. Kung wala eh ‘di thank you na lang.
Pero nagmamalinis pa ang male starlet ngayon. Wala mang nagtatanong sa kanya ay sinasabi niyang roles lamang iyon sa mga serye at hindi siya papatol sa mga bading. Tila nakalimutan na niya agad kung ilang beses siyang natangay ni direk matapos siyang bayaran.
Nakalimutan na rin ba niya ang maraming photos at videos na ginawa ni direk na hubo’t hubad siya. Delikado ang mga nagmamalinis ng sobra.