Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola Luis Manzano Baby Peanut  Vilma Santos Edu Manzano Ralph Recto

Ate Vi ipinagpaliban ang bakasyon para sa binyag ng apo

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAIRAOS na rin noong Linggo, Abril 23 ang binyag ni Baby Rosie, ang panganay nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, at ang

kauna-unahang apo ng Star for all Seasons na si Vilma Santos. Pribado ang binyagan na dinaluhan lamang ng mga malalapit na kaanak at kaibigan na ginanap sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati. Sinundan iyon ng isang reception sa isa sa mga event venue sa simbahan din.

Iyan ang isang event na hindi mapalalampas ni Ate Vi. Isipin ninyo binyag iyan ng kanyang unang apo na kay tagal din naman niyang hinintay. At siyempre happy siya kahit na ngarag sa kanyang schedule sa Japan at hindi na rin natuloy ang balak niyang magbakasyon muna roon tutal naroroon na rin lang. Matagal na pala ang schedule ng binyag, at hindi na maaaring iurong. 

Ilang celebrities din naman ang naging ninang si Baby Rosie, at isa na nga ang singer na si Nikki Gil. Ang iba halos mga personal friend na nila. Tama naman ang ganoon, hindi kagaya ng ibang bininyagan na ginagawang social event, 30 ang ninong at ninang. Maski na siguro sila hindi nila ma-feel ang pagiging ninong o ninang dahil sa dami nila. 

Minsan matatawa ka, kapag nagpa-picture na pagkatapos ng binyag, sa dami ng ninong at ninang puno ang altar ng simbahan at ang hindi na halos mapansin sa picture ay iyong bininyagang bata mismo.

Dahil sa dami rin nila hindi na naiintindihan ng mga ninong at ninang ang mabigat nilang responsibilidad sa binyag at iyon ay masigurong ang kanilang inaanak ay lumaking isang mabuting Kristiyano. Sa binyag ang mga magulang, ninong, at ninang ang naninindigan sa pag-ako ng bata na siya ay mananatiling mananampalataya at mabuting kasapi ng iglesia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …