I-FLEX
ni Jun Nardo
WALA ring ingat sa katawan ang isang sexy star lalo na kapag kinukunan na ang mainit niyang eksena.
Eh ito namang namamahala sa movie, hind na binubusisi ang shots sa sexy star. Basta nagpapakita ng private parts ang sexy star, pasado na ang eksena.
‘Yun nga lang, hindi maiwasang ma-close up ng camera ang bahagi ng legs ng sexy star. Kaya naman nakuhanan minsan ang legs ng sexy star na may pasa-pasa sa hita!
Siyempre, na-turn off ang kaibigan naming nakakita sa pangit na legs ng sexy star na may pasa-pasa, huh. Sa halip na maelya ang friend naming sa sexy star, pinatay na lang ang streaming ng movie na bida ang sexy star.