Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boobay

Boobay handa na raw makipagkita kay St. Peter anytime 

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMI  ang naalarma nang mapanood sa telebisyon noong Huwebes ang Kapuso host-comedian na si Boobay na nag-“hang” habang ini-interview ni Boy Abunda. Pero mas marami ang nangamba sa sagot ni Boobay sa tanong ni Boy ukol sa ano ang nais niyang iapela sa mga santo sa langit nang mahimasmasan siya makaraan ang ilang minuto?

Sa sobrang pagka-miss ng komedyanteng si Boobay sa kanyang yumaong ina ay ang pabalikin daw ito at mabuhay muli ang magiging hiling niya sa mga santo. Ito ang naging kasagutan ni Boobay nang tanungin ni Kuya Boy  sa top rating show niyang Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon nga kay Boobay, “Kakausapin ko si St. Peter, kung may chance pa ulit, sana pabalikin mo si Mama ko rito kasi gusto ko.

“Kaya ako nag-artista, kasi ‘yun ang pangako ko sa kanya na sana kapag naging artista ako, isa ka sa talagang gusto ko na nandito at makikita mo ‘yung pagpapatawa ko at pagpapasaya sa mga tao.

Nagawa pang magbiro ni Boobay nang sabihin nito na ready na siyang makipagkita kay St. Peter anytime dahil ready na siya.

St. Peter, nandiyan ka ba? Wala? So, kung hindi puwede, ‘di ako na lang ang pupunta riyan soon. Ready na ako anytime. “

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …