Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo

Bea Alonzo lumamlam na nga ba ang career?

REALITY BITES
ni Dominic Rea

MAY larawang lumabas kasama ang buong cast ng isang gagawing concert handog ng isang network. Kasama sa larawang iyon ang dating sikat na aktres na si Bea Alonzo

Nasabi kong dating sikat dahil dati naman talaga ay sikat na sikat siya. Wala akong sinasabing laos na siya simulang lumipat siya sa ibang network. Ang sinasabi ko ay lumamlam ang kanyang career at hindi na siya sikat noh.

Anyways, dahil siguro naimbitahan ang isang kaibigang si MJ Felipe to cover the said event ay ibinalita niya ito sa kanyang segment sa news program na TV Patrol. 

Agad-agad ay nag-ingay naman ang ilang fans and folliwers ni Bea dahil nitong April 18 nga ay hindi man lamang daw binanggit ang pangalan ni Bea sa nasabing report at tila lumabas pang nasa ‘at iba pa’ ang aktres.

Binatikos ito ng fans and followers ng dating sikat na female celebrity. Wait lang. Kung ating matatandaan ay nakaroon ng isyu si Bea sa Kapamilya Network noong magdesisyon itong lumayas. Meaning, for me ay hindi talaga naging maganda ang pag-exit niya sa ABS-CBN at aminin natin ‘yun. 

Kahit sinong network naman siguro ay karapatan nilang banggitin o hindi na banggitin pa ang isang dating inalagaan at pinalaking talent lalo na’t hindi naging maganda ang ending ng kuwento, ‘di ba? 

For what pa? ‘Di ba? 

At aminin natin na simulang lumipat si Bea ng tahanan, nawalan talaga ng kinang ang kanyang pangalan at lalong naging waley ang career.

May ibang lumipat na nabigyan ng magandang karera kaya suwerte nila. Pero sa sitwasyon niya na isa ng big star noon sa Kapamilya Network, nasaan na nga ba siya ngayon? 

Kung hindi man binanggit ang pangalan niya, so, what’s the point para magngangawa kayo? Jusmio! Simple lang ‘yan. Hindi napo siya Kapamilya! Kapuso na po siya! So bakit pa? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …