REALITY BITES
ni Dominic Rea
TIKOM ang bibig ni Joshua Garcia sa isyung kinasasangkutan niya ngayon. Ito ay ang pag-a-unfollow sa kanya ng nabalitang girlfriend na si Bella Racelis.
Sabi pa ng katsikahan kong baklita, ganyan daw talaga si Joshua. Isang torpe pagdating sa babae o sa mga katulad niyang sitwasyon. Wala ka raw maririnig diyan.
Oo nga ano! Kahit noong isyung hiwalayan nila ni Julia Barretto, naging tikom din ang bibig niya. Katorpehan ba tawag sa ganoon o sadyang mapagparaya lang si Joshua at ayaw niya lang talagang makasakit ng damdamin lalo na’t babae ang kanyang kaharap?
Well, kung ako sa kanya, i-unfollow ko rin si girl, hindi ba? Para fair! Ha! Ha! Ha!
Anyways, habulin talaga ng babae si Joshua. Talagang panalo kasi siya sa napakalakas na alindog niya. Guwapo naman talaga at magaling pang aktor. ‘Yun na!