REALITY BITES
ni Dominic Rea
LAST week umusbong ang usapang tila may pinagdaraanan daw ang mag-asawang Dave Almarinez at Ara Mina. Nag-ugat ang isyu nang may inilabas na post si Ara sa kanyang social media account ng, “guide me lord…” na kapag nabasa mo ay mag-iisip ka kaagad at magkaroon ng kongklusyong may problems ba siya o silang mag-asawa?
Wala kasi sa karakter unang-una ni Ara ang mag-post ng ganoon sa kanyang socmed dahil most of the time ay mga negosyo niya ang kanyang ibinabalandra.
Bilang kaibigan at malapit sa mag-asawa ay minabuti kong magpadala ng message kay Ara sa pamamagitan ng Viber at tinanong ko siya ng deretsahan about what she posted na marami ang nag-isip ng nega sa kanila.
“Naku! Oo nga eh! Marami na ang pumik-up. Akala nila for Dave. Hindi. For a friend yun,” agad namang sagot ni Ara sa Viber message ko.
“Sabi ni Dave, akala tuloy tayo,” paglalahad pa muli ni Ara.
‘Yan ang gusto ko kay Ara mula noon hanggang ngayon. ‘Yung kapag may itatanong ka sa kanya, o kahit sa anong bagay, on the spot ka rin makatatanggap ng sagot mula sa kanya.
Ayan! Maliwanag na huh. Wala silang isyung mag-asawa at lalong malabo sa kanila ang salitang may pinagdaraanan.