Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jun Miguel Talents Academy Vietnam International Achievers Award

Direk Jun Miguel itinanghal na Asia’s Outstanding Director sa Vietnam International Achievers Award 2023

MATABIL
ni John Fontanilla

ISANG malaking karangalan para sa dating member ng That’s Entertainment at ngayo’y isa ng awardwinning director na si Jun Miguel ang mabigyan ng karangalan sa ibang bansa, sa Vietnam International Achievers Award 2023 bilang Asia’s Outstanding Movie and TV Director.

Ayon kay Direk Jun, “Sobrang thankful ako sa pamunuan at jury ng Vietnam International Achievers Award  sa karangalang ibinigay nila sa akin bilang direktor.

“Ang parangal na natanggap ay iniaalay ko sa Diyos, sa aking pamilya, sa aking masisipag na crew at sa mga taong naniniwala sa aking talento.

“Hopefully ito na ang simula na mapansin pa lalo sa ibang bansa ang husay ng Filipino, dahil talaga namang magagaling ang mga Pinoy.”

Kasamang lumipad ng Vietnam at tumanggap ng kanyang award ni Direk Jun ang kanyang magandang maybahay  at anak na commercial model/actor na si Jhustine Miguel.

Sa ngayon ay abala si Direk Jun sa kanyang mga ginagawang short films, children show ang Talents Academy na itinanghal na Asia’s Best Children Show sa Vietnam International Achievers Award at sa bagong teen show ng IBC 13 na mapapanood sa buwan ng Mayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …