Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Mystery Man, male star

Male celebrity na pinagpapantasyahan namin kompirmadong paminta

REALITY BITES
ni Dominic Rea

TAWANG-TAWA ako sa dami ng tsika patungkol sa isang Male Celebrity na may pelikulang ipalalabas this month o next month o whenever at ayaw kong banggitin ang title noh! My gosh! 

Guwapo siya at aminado akong crush na crush ko siya Laman siya ng aking imahinasyon at nanginginig ang katawang lupa ko tuwing nakikita ko ang larawan niya lalo na noong nagkita kami personally sa isang pa-presscon for him or her?

Jusmio Procopio. Paano naman kasi, kompirmado palang badinggersia siya at mahilig maglagay ng durog na paminta kapag nagluluto siya ng adobo. Hay! 

Noong malaman kong ganoon nga siya at siya na siya, dismayed ang beauty ko. Pero sa totoo lang, mas nangibabaw ang lantod ng katawang lupa ko dahil nga bukod sa guwapo siya, maganda pa ang katawan niya huh.

Okey na sana ‘yun kahit sabihin man nilang badinggersia siya dahil who are we to judge people from head to toe or foot? Whatever! Ang siste, may ugaling hindi raw kanais-nais ang Male Celebrity? Hindi raw beautiful ang attitude? Nagbago na raw? Hindi na raw nakakakilala?  May amnesia? Nagbubulag-bulagan? Ano ba? Hay naku! 

‘Di ko sure kung pagdating sa akusasyon sa pag-uugali niya ay lahat totoo huh. Pero sa akusasyon sa real gender niya, naku, marami ang nagkompirma. Ang asim ko today. Parang hinahanap ng dila ko ang langhap sarap na Chickenjoy ni Jollibee! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …