ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG brand owner ng Sky Scentsation London na si Yna Ampil ay mahaba na ang expeienced pagdating sa sales. Aminado siyang bata pa lang ay hilig na niya ang magtinda.
Kuwento ni Ms. Yna, “Bata pa lang ako hilig ko na talaga ang magtinda. Naalala ko pa, elementary ako noon, nagbebenta na ako ng mga pagkain sa mga classmate ko, parang hilig ko talaga magbenta since bata pa. Kalaunan, naging sales lady din ako sa Quiapo at sa isang kilalang mall sa Recto.
“Pagdating ng year 2007, online seller na ako ng kung ano-ano, like bags, watch, shoes, damit, accesories, cellphone, pati na silver, gold or kung anong puwedeng ibenta sa online. Sulit.Com pa lang noon ang bentahan talaga. Then year 2014, may isang friend ako na nag-alok sa akin ng tester perfumes, nasa perfume industry din siya.
“Actually, bago ako pumasok sa perfume business ay wala akong alam kung ano ba ang tester perfumes. Nag-try lang akong magbenta, pinag-aralan ko, paisa-isang order, keri lang kahit makipag-meet up sa malayo, go lang! Hanggang sa marami na ang kumuha sa akin, kaya nag-decide ako na mag-focus sa perfumes,” nakangiting pagbabalik-tanaw pa ni Ms. Yna.
Pagpapatuloy niya, “Binitawan ko ibang ibenebenta ko, nag-stock ako paunti-unti sa bahay… Kahit sa bahay lang dahil may alaga akong dalawang anak dahil nagwo-work si hubby. Kumikita ako, gusto ko lang makatulong sa hubby ko sa gastusin…
“Kasi naranasan namin ‘yung sobrang kapos, kaya nagpursige talaga ako na kumita sa sarili ko. Nakaipon kami kahit paano hanggang dumating ang year 2017 at nag-decide akong magtayo ng shop para mas dumami ang buyer, dahil may physical store na, eh.
“Kahit kapos sa budget para sa puhunan, ‘Go lang, kaya iyan,’ nasa isip ko lagi iyan, kumbaga, tiwala lang sa nasa Itaas at sa sarili ko na mapapalago ko ang negosyo na itinayo ko. Noong December 2018, nag-decide kami na gumawa na ng sarili naming brand ng perfumes at iyon ang Sky Scentsation London. Ang perfumes namin ay imported pa, from abroad pa talaga namin kinukuha.
“February 2019 na-launch namin ang dalawang scents ng brand, then naging four, six, and eight scents ito after ilang months. Matagal kasi ang process talaga sa pag-import, mga 2-3 months ka mag-aantay ng orders mo.
“Marami na rin artist na nakagamit ng Sky Scentsation perfumes like Mark Herras, Jaycee Parker, Michael Agassi, Jenny Quizon, Cherry Lou, Denise Joaquin… Since 2019 pa siya, pero hindi namin siya masyadong na-focus, kasi busy nga. But this time po, sa April 18, 2023 we decided na ire-launch siya with new inspired scents from branded perfumes, pero sobrang affordable at pang-masa talaga ang price. Kumbaga you can enjoy luxury fragrances at a cheaper price, but same scents and quality.”
Nabanggit pa ni Ms Yna na ang Sky Scentsation London ay open na ngayon para sa distributors at resellers.
“We are open for regional distributors, provincial distributors and resellers, nationwide. Our office is located at 86 Plaridel Street, Barangay Doña Auror, Quezon City.
“Sobrang hirap sa umpisa, kasi halos walang maniniwala sa iyo, pero kapag alam mo sa sarili mo at desidido ka sa ginagawa mo, walang imposible,
“Ang business ay parang sugal din kasi iyan, eh, puwede kang manalo at puwede ka rin na matalo, pero hindi ka mananalo kung hindi ka susubok.
“Minsan walang maniniwala sa iyo kahit pamilya mo pa mismo, at mga kaibigan mo. Pero dapat maniwala ka sa sarili mo at sa nasa Itaas, iyon kasi ang pinaka-importante sa lahat,” pahayag pa ni Ms. Yna.