Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Alejo

Elijah okey lang magbida-kontrabida

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI raw issue para kay Elijah Alejo kung muli siyang tatanggap ng kontrabida role kahit na nga bidang-bida na siya sa hit afternoon serye ng GMA, ang Underage.

Ayon nga kay Elijah, “Okey lang naman po magkontrabida ako ulit, ako naman po kasi kahit anong role ang ibigay sa akin go lang ako, ang mahalaga sa akin may trabaho po.”

Dagdag pa nito, “Hindi naman porke’t nagbibida ka na ay hindi ka na tatanggap ng ibang role na ‘di bida, mas maganda nga po na nagagawa mo pareho ang magbida at magkontrabida. Ang mahalaga lang ay nagustuhan ng tao ‘yung performance mo. Ibig sabihin nagawa mo ng tama. 

“At saka roon naman ako nakilala ng tao, sa ‘Primadonnas’ na nagkokontrabida kaya okey lang.”

Very thankful  ito sa GMA sa  magagandang role at projects na ibinibigay sa kanya.

At sobrang happy ito dahil pare-pareho silang mga kasamahan niya sa Primadonnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo na may magagandang proyekto ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …