Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sephy Francisco Katrina Velarde

Sephy Francisco desmayado sa US Tour nila ni Katrina Velarde

MATABIL
ni John Fontanilla

NALUNGKOT nang husto ang Trans Dual Diva at X Factor UK na si Sephy Francisco na hindi natuloy ang kanilang US Tour ng mahusay na singer ding si Katrina Velarde.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang lumabas ang announcement ng Viva na siyang nangangalaga sa career ni Katrina na cancel na nga ang US Tour nito na isa sa kasama si Sephy.

Ayon kay Sephy, dapat sana ay last year pa ang nasabing US Tour na ‘di natuloy at inilipat ng April 2023, na pangako sa kanila ng producer ng kanilang show.

Ngunit hindi yata naging maganda ang naging pag-uusap ng management ni Katrina at ng producer ng kanilang US Tour, kaya nagdesisyon na lang na i-cancel na lang at ‘wag nang ituloy ang nasabing concert.

Laking panghihinayang at nadesmaya si Sephy dahil ito ang first time na magpe-perform siya sa ating mga kababayan na naninirahan na sa iba’t ibang sulok ng Amerika na kasama sa US Tour nila ni Katrina.

At kahit nga naudlot ang mga show nito sa US ay sunod-sunod naman ang dating ng shows niya sa bansa, na sa May 9 ay isa ito sa magiging espesyal na panauhin sa Orion Bataan Town Fiesta kasama sina Ima Castro, Dulce, Klinton Start, Wize Estabillo, La Familia Band, Janah Zaplan, Popper atbp. Hosted by John Nite and Janna Chu Chu, directed by Raoul Barbosa, produced by Intele Builders and Development Corporation nina Ms Cecile and Pete Bravo at ni Kapitan Jesselton Manaid ng Orani Bataan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …