Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shira Tweg Sharon Cuneta Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Shira Tweg tuwang-tuwa sa pagiging Sharon Cuneta

MATABIL
ni John Fontanilla

NAG-UUMAPAW ang talento ng baguhang young star na si Shira Tweg, alaga ng sikat na celebrity make up artist si Bambbi Fuentez.

Bukod sa mahusay umawit, sumayaw, at umarte, si Shira ay matangkad at napakaganda na puwedeng pang beauty queen.

Pero mas priority ni Shira ang singing na ngayong taon ay iri-release na ang kanyang kauna-unahang awitin na mula sa komposisyon ng mahusay na song writer at direktor na si Joven Tan.

Isa rin ito sa cast ng inaabangan at pinag-uusapang pelikula na entry ng Saranggola Media ni Edith Fider sa kauna-unahang Summer MMFF 2023, ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko na hango sa buhay at musika ni Maestro Rey Valera

Rito ay ginagampanan ni Shira ang role bilang si Sharon Cuneta na sumikat sa awiting Mr DJ na si Maestro Rey ang nag-compose. Sobrang proud nga ni Shira na mabigyan siya ng pagkakataong  magampanan ang role bilang Sharon na isa sa tinitingalang singer at aktres sa bansa.

Very thankful si Shira sa Saranggola Media, Kay Ms Edith, direk Joven, sa kanyang manager, at very supportive parents  lalo na sa kanyang always kasama na mommy na si Tita Tine Areola.

Makakasama ni Shira sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko sina Rk Bagatsing, Dennis Padilla, Rossana Roces, Gelli De Belen, Ariel Rivera, Christopher De Leon atbp. at mapapanood simula April 8 sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …