Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiray Celis Anne Barreto Red Era

Kiray ayaw pang mag-asawa, pamilya ang prioridad

MATABIL
ni John Fontanilla

WALA pang balak pakasal sa ngayon ang mahusay na Kapuso aktres na si Kiray Celis, dahil marami pa siyang plano sa kanyang pamilya at ito ang prioridad niya sa ngayon.

Ayon kay Kiray na isa sa naging espesyal na panauhin sa launching ng collaboration nina Ms Anne Barreto, CEO and President ng Hey Pretty Skin at ni Mr. Jared Era, CEO and President ng Rising Era Dynasty (RED) last March 25 na ginanap sa Suite 1111 AIC Burgundy Empire Tower, Ortigas Center, Pasig City na gusto muna niyang ma-secure ang future ng kanyang pamilya bago siya lumagay sa tahimik.

Kaya naman gusto niyang mag-work nang mag-work para matupad niya ang pangarap niya sa kanyang parents at mga kapatid. At kapag natupad na niya iyon ay at saka niya haharapin ang pag-aasawa.

Dagdag pa nito na willing to wait naman ang kanyang guwapo, supportive, at understanding na boyfriend, kaya naman mahal na mahal niya at sigurado siya sa kanyang sarili na ito na ang lalaking gusto niyang makasama sa buhay hangang sa kanyang pagtanda.

Naibahagi rin ni Kiray ang sikreto kung bakit blooming at napakaganda ng kanyang skin at ito ay dahil sa  paggamit niya ng mga produkto ng Hey Pretty  Skin at pagpunta niya sa Clinic nito.

Kung dati-rati ay hindi siya nawawalan ng pimples specially sa baba, ngayon sa tulong ng Hey Pretty Skin ay hindi na siya nagkaka-pimples at mala-glass skin na ang kanyang kutis. Kaya naman naengganyo siyang magbenta ng mga produkto  nito sa Tiktok at kinausap niya si Ms Anne.

At sa pagsasanib-puwersa ni Ms Anne na ang expertise ay ang pagpapaganda at ni Mr Jared na ang expertise naman ay agriculture, mas mapagaganda at mas healthy ang kanilang produkto at affordable ang presyo at kayang-kayang bilhin ng bawat Pinoy. Kumbaga magiging beauty at healthy ka. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …