Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Reyes

Gladys  iyak ng iyak sa celebrity screening ng Apag

MATABIL
ni John Fontanilla

EMOSYONAL at hindi naiwasang maiyak ni Gladys Reyes sa special celebrity screening at press preview ng kanilang pelikulang Apag hatid ng Centerstage Stage Productions at ng Hongkong International Film Festival Society na produced at idinirehe ni Brillante Mendoza, isinulat ni Arianna Martinez, na ginanap sa SM North The Block Cinema 2, noong Martes. 

Naiyak si Gladys dahil naalala niya ang kanyang yumaong ama na sana raw ay napanood ang kanyang pelikula dahil tiyak magiging proud ito sa kanya. Kaya naman habang ongoing ang pagpapalabas ng movie ay tuloy-tuloy din ang pagdaloy ng kanyang luha.

At bilang pure Kapampangan ang kanyang mga magulang, proud si Gladys na mapasama sa Apag, na iniaalay nila sa mga kapwa nila Cabalen.

Sa pelikulang Apag ay kakaiba at napakahusay na Gladys ang mapapanood, hindi ‘yung typical na Gladys na nakikita sa mga pelikula o teleseryeng kanyang ginagawa, na kalimitan ay kontrabida siya. 

Bukod kay Gladys, napakahusay din ng kanyang co-actors na sina Coco Martin, Sen. Lito Lapid, Jaclyn Jose, Mercedes Cabral, Julio Diaz, Joseph Marco, Shaina Magdayao atbp..

Kaya naman very thankful si Gladys kay Direk Brillante sa pagsama sa kanya sa Apag, gayundin kay Coco na tinanggap ang Apag na dapat sana ang role ay para kay Aljur Abrenica na nag-backout.

Ang Apag ay mapanood simula April 8.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …