Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eisel Serrano Carlo Aquino

Eisel Serrano natakot kay Carlo Aquino

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY honest ang baguhang aktres na si Eisel Serrano na isa si Carlo Aquino sa showbiz crush niya.

Ani Eisel sa isinagawang mediacon kahapon ng Love You Long Time, entry sa  Summer MMFF 2023 sa Kamuning Bakery Cafe, naalala pa nito na napapanood niya ang aktor sa Kokey.

Kaya naman sobrang nagulat ito nang nalamang makakatrabaho at makaka-tambal niya si Carlo bilang Uly  sa  pelikulang Love You Long Time. Ang buong akala ni Eisel na ginagampanan naman ang role ni Ikay na ang aktor na makakatambal niya ay baguhan din na katulad niya at hindi ang isang beterano at award winning actor tulad ni Carlo, kaya naman sobrang saya niya.

Pero noong umpisa ay medyo na-intimidate siya kay Carlo, pero nang nagsimula na silang mag-shoot ay sobrang bait at masarap katrabaho si Carlo. Bukod sa napaka-generous at ‘di ito maramot  para bigyan siya ng tips sa acting.

Ang Love You Long Time ang maituturing ni Eisel na malaking pelikula na kanyang ginawa na bida sila ni Carlo, kaya naman very thankful ito sa producer ng kanilang pelikula.

Bukod sa Love You Long Time ay nakagawa na ito ng dalawang pelikula pa, ang Anak ng Macho Dancerat Kontrabida with Ms. Nora Aunor na hindi pa naipalalabas.

Makakasama nina Eisel at Carlo sa Love You Long Time sina Ana Abad Santos, Meann Espinosa atbp. sa direksiyon ni JP Habac hatid ng Studio Three Sixty Ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …