Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco

David Licauco balik-wholesome

MATABIL
ni John Fontanilla

HIHINTO na raw sa paghuhubad sa telebisyon, pelikula, stage at sa mga pictorial ang Kapuso artist na si David Licauco.

Sa isang interview nito ay sinabi ng hunk actor na simula nang makilala siya bilang Fidel sa patok na patok na  GMA Teleserye na Maria Clara at Ibarra na nakasama nito sina Barbie Forteza at Dennis Trillo ay dumami na ang fans niyang bata.

Ayon nga kay David, “So child-friendly na tayo ngayon…Hindi na puwede ‘yung hubad-hubad.” 

But I’m still with Bench. So iyon, whatever works. Kung ano ‘yung magugustuhan ng mga tao, iyon ang gagawin ko.” 

At kung dati-rati raw ay nakahubad at naka-brief sa mga print ad, poster, at billboard ng Bench, ngayon ay tapos na ang kanyang kontrata sa Bench Body.

So ngayon nga ay balik-wholesome na si David katulad niyong nagsisimula siya sa showbiz, kaya mami-miss ng mga kababaihan at mga kapatid sa LGBTQ ang hubad na katawan ng hunk at guwapong aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …