Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin sa preview ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera. Kasama siya sa pelikula pero ang biro nga niya,” maikli lang ang role ko, puwede ngang wala.” Maikli nga lang ang role, halos dinaanan lang ng camera, pero sino ba naman ang hindi makakakilala kay Jenine Desiderio?

Active pa rin sa Jenine sa kanyang career bilang isang singer, pero hindi na nga siya masyadong visible kagaya noong araw,

kaya kung sabihin nanay na lang siya ni Janella Salvador. Pero iyang “nanay” na iyan, minsan ding naging Kim sa Miss Saigon, bukod sa kasama nga siya sa original cast noon nang unang ilabas sa London.

Nang magbalik sa Pilipinas, hindi lang siya isang singer, naging artista rin naman siya at maraming nagawang pelikula.

Higit sa lahat, kung sabihin nga noong araw eh, iyang si Jenine ang isa sa pinaka-disiplinadong artista na hindi kailanman naging sakit ng ulo ng kanyang manager.

Ilang taon na rin ba kaming hindi nagkikita? May isang dekada na rin yata kaya nagkagulatan pa kami sa preview ng film bio ni Rey Valera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …