ni Ed de Leon
MAY kuwento na naman ang tsimosa nating source. May isa naman daw taga-showbiz din na may kakaibang koleksiyon. Minsan daw na dinalaw niya iyon sa bahay ay may nakita siyang mga plastic case at bawat isa niyon ay may picture ng mga artista, male models at iba pa, at kumpleto ang details, hindi lang pangalan nila kundi may petsa
pa, oras at lugar. Sa mga picture ay suot nila ang kanilang underwear na siyang laman ng mga plastic display cases na iyon.
Ibig sabihin, nahingan sila ng bading ng underwear na suot nila at bilang katunayan mayroon pang picture. Ang tanong ng tsismosa, magkano raw kaya ang halaga ng ganoong klase ng koleksiyon at ituturo rin niya kay direk.