Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher de Leon

Balik-tambalan nina Vilma-Boyet muling masusukat ang lakas

HATAWAN
ni Ed de Leon

IYANG pelikulang gagawin nina Ate Vi (Ms Vilma Santos) at Boyet de Leon sa Japan, bale iyan na ang kanilang ika-25 pagtatambal sa pelikula. Ang mga pelikula nilang nagawa through the years ay naging box office hits lahat, at ang iba ay itinuturing na ngang mga klasikong pelikula sa ngayon. Pinakamatindi ngang pelikulang nagawa nila na hanggang ngayon ay nasa isip pa rin ng mga tao ay iyong Relasyon, na si Ate Vi ay nanalo ng grandslam bilang best actress.

Matagal na rin naman ang huli nilang pelikulang magkasama.

Dalawang dekada na yata ang nakaraan nang gawin nila ang Mano Po IIIMy Love para sa Metro Manila Film Festival 2004. Kaya nga sinasabi naming napalaking challenge itong pagsasama nilang muli sa isang pelikula. Hindi naman kailangang lampasan ang kita ng nauna nilang pelikula, dahil malaki ang kaibahan ng patronage ng mga nanonood ng sine noon at ngayon,

Ngayon ay medyo mahirap ang buhay, at magastos na ang manood ng sine, pero siyempre Vilma-Boyet iyan kaya iba ang inaasahan nila.

Sa kuwento ni Ate Vi, naiiba ang pelikula at medyo experimental maging ang kuwento.

Pero kailangan ganoon eh. Nasa stage tayo na hindi natin alam kung ano ang gustong mapanood ng mga tao sa panahong ito. Marami nang magagandang pelikulang nailabas, pero hindi masasabing naabot na iyong dating status ng industriya.

Kailangan mapag-aralan natin kung ano ang dapat na trend. Kaya ako nga ready ako na gumawa ng iba’t ibang genre ng pelikula, kasi iyan lang ang paraan para makita natin kung ano ang gusto ng mga

tao. Pagkatapos nito gagawin ko iyong pelikula with direk Erik Matti para iba naman. Kung ganoon ang gagawin natin mai-establish natin kung anong klaseng pelikula nga ang dapat nating ginagawa.

As I’ve said ang hinahanap naman natin ay mga pelikulang magbabalik sa industriya, back on its feet. Malaki ang utang na loob ko sa industriyang ito, not by just supporting my career for 60 long years, maski iyong aking 24 years in public service, hindi mangyayari iyon kung hindi ako si Vilma Santos,” sabi ni Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …