I-FLEX
ni Jun Nardo
HIRAP din noon sa buhay ang Kapuso actor na si Kokoy de Santos noong panahong hindi pa nadi-discover ang galing niya sa pag-arte.
Inihayag ni Kokoy noon ang pagsala sa pagkain at paglipat-lipat ng bahay.
Pero sa pag-ibig naging masaklap ang kapalaran ni Kokoy. Nag-cheat na nga ang kanyang girlfriend, patuloy pa rin niya itong hinahabol hanggang sa matauhan siya.
Kaya nga pagdating sa pag-ibig, maingat na si Kokoy dahil ang mga plano sa sarili at sa pamilya naman ang nasa utak niya ngayon.
Sa guesting ni Kokoy sa Fast Talk With Boy Abunda, hindi niya akalaing todo-hanga sa kanya ang King of Talk sa galing sa pag-arte.