Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco tagilid sa pakikipagrelasyon kay Cristine

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATAWA kami sa reaksiyon ng fans doon sa tsismis na madalas na makitang magkasama sina Marco Gumabao at Cristine Reyes.

Pinalutang pa kasi sa tsismis na magka-holding hands sila. Palagay namin iyan ay bahagi lang naman ng promo ng ginawa nilang pelikula.

Pero mukhang hindi maganda ang dating sa fans. Sinasabi nilang tagilid si Marco.

Maliwanag ang sinasabi nila, 28 si Marco, 34 si Cristine. Binata si Marco, walang kasal pero may anak na si Cristine sa dati niyang live in partner na si Ali Khatibi. Medyo umaangat pa lang si Marco sa kanyang career, si Cristine naman ay ilang beses nang nagtangka. Hindi ba’t ipinag-produce pa nga siya noon ng pelikula ng kapatid niyang si Ara Mina? At ano ang resulta?

Kung kami naman ang tatanungin, wala na tayong pakialam diyan. Kung ano man ang gusto nilang mangyari sa kanilang buhay, eh buhay nila iyon eh. Kung totoo nga na nagkakagustuhan sila, sino ba naman kayo para makialam? Bahala na sila sa buhay nila.

Sa ngayon naman maraming ganoon, mga dating may asawa pero sila ang nagsasama. Kung sabihin nila sila ay naniniwala sa “second chances.” Ano naman ang malay ninyo kung mas maganda ang mangyari sa kanilang buhay?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …