ni Ed de Leon
IGINIGIIT ng isang male starlet na noong araw daw ay nakilala na niya ang isang sumisikat na matinee idolngayon. Pareho raw sila na hindi pa nag-aartista noon at nagkakilala sila dahil sa isa nilang kaibigan. Aminado ang male starlet na niyaya siya ng matinee idol sa isang date, at sumama naman siya matapos nilang magkasundo sa
talent fee.
Iginigiit ng male starlet na bading ang papasikat ngayong matinee idol.
“Kung hindi siya bading, hindi niya gagawin ang ginawa niya sa akin noon,” sabi pa ng male starlet.
Nang matapos daw sila, “hiningi pa niya iyong brief ko na souvenir daw niya,” kuwento pa ng male starlet.
Ngayon daw, ilang beses na silang nagkasalubong at minsan nahuhuli niya ang matinee idol na nakatingin sa kanya, pero dahil hindi naman daw siya binabati, hinahayaan na lang niya. Bale nakalimang beses din daw silang nag-date noong araw.