MATABIL
ni John Fontanilla
BUMALIK na sa Japan ang International Pinay singer na si Jos Garcia na roon naka-base para naman gawin ang sandamakmak na proyekto.
Bumalik lang ng bansa ang award winning singer para pumirma ng panibagong kontrata bilang ambassador ng Cleaning Mamas by Natasha for one year.
Ayon kay Jos, “Bumalik lang ako sa Pilipinas for 4 days para pumirma muli ng 1 year contract bilang ambassador ng Cleaning Mamas by Natasha, kaya nagapapasalamat ako sa kanila sa muling pagtitiwala para mag-promote ng mga produkto nila for another year at maging part ng kanilang pamilya.”
Bukod pa rito ang guestings sa morning show ng PTV 4, ang Rise and Shine Pilipinas at sa Wish Bus 107.5 FMat pagdalo sa wedding ng kanyang kaibigan.
Ito rin ang naging pagkakataon ni Jos para i-record ang kanyang bagong awitin na komposisyon ni Maestro Rey Valera at kanyang ipo-promote sa Pilipinas sa kanyang pagbabalik sa December.