Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Peralta

Hiro balik showbiz, naka-move on  na sa pagkatsugi sa GMA 7

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG pagkakatsugi raw sa GMA 7 at ang pagkawala sa Unang Hirit ang dahilan kung bakit na-depress, sobrang nalungkot, at nagdesisyong tumigil pansamantala sa pag-aartista si Hiro Peralta.

Ayon kay Hiro, “Na-depress ako at sobra talagang nalungkot dahil after ng teleserye namin ni Kris Bernal (Little Nanay ), sinabi nila sa akin na ‘di na ire-renew ‘yung kontrata ko sa GMA.

“Tapos nasundan pa sa pagkawala ko sa ‘Unang Hirit,’ kaya sobrang nalungkot ako kasi sa GMA ako nagsimula, tapos bigla na lang sa isang iglap wala na ako sa network.

“Kaya ang naisip ko that time mag-stop muna for awhile sa pag-aartista at mag-focus na lang sa pagnenegosyo.

“At kahit nga mga offer na guestings noon, hindi ko na tinanggap, during that time gusto ko muna lumayo sa showbiz.”

Pero alam naman ni Hiro ang rason kung bakit ‘di na siya pinapirma ng kontrata ng GMA.

“All though alam ko naman na may fault din ako, kasi that time nag-gain ako ng weght, and ‘yun daw ‘yung reason kay hindi na ako ini-renew, lagi nila akong sinasabihan na magpapayat, pero ‘di ko magawa.”

Pero na-realize ni Hiro na nami-miss niya ang dati niyang ginagawa, ang pag-arte at hosting, kaya rito na raw ito nagdesisyon na magbalik showbiz.

“Honestly speaking po, na-miss ko talaga ang showbiz, na-miss ko ‘yung hosting pati ‘yung mga taong nakatrabaho ko. 

“Kaya naman nag-decide ako na magbalik showbiz, kaya tinanggap ko ‘yung guesting ko sa ‘Family Feud’ and sana masundan pa at makagawa ulit ako ng pelikula at teleserye.”

Sa ngayon ay nasa proseso si Hiro na nagpapayat and anytime ay puwede na ulit itong tumanggap ng projects at gusto namanng subukan ang pagkokontrabida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …