Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion

Gabby ‘di pa tatanggap ng lolo role kahit magkaka-apo na

HATAWAN
ni Ed de Leon

BAGAMAT sa tunay na buhay ay magiging lolo na si Gabby Concepcion mahigit na isang buwan na lang mula ngayon, hindi pa rin naman siya tatanggap ng role ng isang 

lolo sa pelikula man o sa telebisyon. In fact maging tatay man ang kanyang roles, usually mga bata pa ang lumalabas na mga anak niya. Hindi naman kasi tumanda ang hitsura ni Gabby hanggang ngayon.

Pero sa Mayo nga. Manganganak na si Garie, na anak niya sa negosyanteng si Grace Ibuna. Hindi pa kasal pero may relasyon nga si Garie sa singer na si Michael Pangilinan. Mukha namang walang problema sa kanilang pamilya ang kanilang relasyon hanggang sa ngayon. Ang sinasabi nga lang nila, si Michael ay may nauna nang anak sa isang dati niyang girlfriend. Pero hindi naman kasal iyon sa naanakan niya kaya hindi rin magiging problema kung maisipan nilang magpakasal na ni Garie ngayong may baby na sila. Pero magkaroon man ng mga apo, hindi

na nga dadami ang pamilyang Concepcion dahil puro naman babae ang naging anak ni Gabby.

Para kay Gabby, ok naman sa kanya na magkaroon ng apo, in fact sinasabi nga niyang excited na rin siya sa pagkakaroon ng apo.

Usually ganoon naman eh, mas excited ang magiging lolo, dahil iyong apo ay bunga na ng bunga mo.

Ang sinasabi pa ni Gabby, nasa edad na naman talaga si Garie para magkaroon ng baby. Iyang ganyang age talaga ang maganda sa unang panganganak. Kung medyo advance na ang age, nahihirapan nang manganak ang isang babae.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …