HATAWAN
ni Ed de Leon
DREAM come true pala para sa batikang director na si Erik Matti na makasama sa isang pelikula ang star for all seasons na si Vilma Santos. May mga binabanggit pa siyang mga pelikula ni Ate Vi na naging paborito niya noong araw, at natural ngayon siya ang magiging director sa isang pelikula, na siya namang gagawin ng aktres
pagkatapos ng kanyang comeback movie with Boyet de Leon. Sinasabi niyang ang
pelikula nila ay magiging kasing ganda rin ng mga pelikula ni Ate Vi na hinangaan niya.
Magaling naman talagang director si Erik, at ang mga pelikula niya ay umaani ng awards sa mga international film festivals, hindi sa mga hotoy-hotoy na festivals lang sa abroad na nasa limang sinehan lamang. Si Matti ay ilang ulit na ring nakipag collaborate sa ilang international movies, kaya basta sinabi niyang world class, alam
niya kung ano ang sinasabi niya.
Sa parte naman ni Ate Vi, hindi rin niya inililihim na gusto niyang makatrabaho ang director. In fact nasabi niya sa amin minsan na natutuwa siyang ang isa sa mga offer sa kanya ay pelikula ni Erik at sinabi niyang tinanggap na niya iyon, bagama’t may mga
babaguhin pang ilang bahagi ng project.
“Gusto ko rin naman siyang makatrabaho talaga,” sabi ni Ate Vi.
Habang nagsu-shooting si Ate Vi ng kanyang comeback movie with Boyet, inaayos naman nang husto ang material ng pelikula ni Erik para sa pagbabalik ng Star for All Seasons ay makapagsimula na agad sila.
Palagay namin, hindi malayong makagawa ng mga tatlo o apat na pelikula si Ate Vi bago matapos ang taong ito. Eh may walo pa siyang scripts na nakapila eh.