Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zanjoe Marudo Ria Atayde

Zanjoe at Ria sweet na sweet habang namamasyal sa Italy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KITANG-KITA kapwa kina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na enjoy na enjoy sila sa kanilang pamamasyal sa Italy. Nasa Italy ang dalawa para sa G! Kapamilya Tour kasama sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Joshua Garcia.

Masayang ibinahagi ni Zanjoe sa kanyang Instagram account ang pamamasyal nila ni Ria sa ilang lugar doon tulad ng magandang probinsiya, ang Marudo sa Milan gayundin ang local delicacies doon.

Caption niya sa mga ibinahaging larawan, “MARUDO province of Lodi, Italy.”

 Kinuha na rin ng magkasintahan ang pagkakataon para makapag-relax at makapag-unwind, i-enjoy ang company ng isa’t isa gayundin ng magagandang tanawin doon. 

Ang kasiyahan ng dalawa ay patunay sa ibinahagi ni Ria sa isang interbyu na kuntento siya sa relasyon nila ni Zanjoe. 

“I am very happy right now. I am in a relationship where I feel valued and where there’s so much mutual respect, mutual admiration. Very much [like part of the family], I’d say,” sabi ng dalaga ni Sylvia Sanchez.

Magtatagal sina ang grupo nina Zanjoe at Ria hanggang March 18  at lilibutin nila ang Barcelona; Milan, Italy; at Abu Dhabi, UAE.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …