HATAWAN
ni Ed de Leon
NASAPAWAN ang pag-iyak pa ni Hope, alyas Liza Soberano sa interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda nang ilabas ng Third Division ng Korte Suprema ang desisyong binalewala na ang kasong rape laban kay Vhong Navarro na isinampa ni Deniece Cornejo.
Nasayang ang pag-iyak ni Hope, nasapawan na siya.
Sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Associate Justice Henry Inting, sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na ang tatlong magkakaibang testimonya na iniharap sa hukuman ni Deniece ay “manifestly inconsistent, highly deficient, unclear and doubtful.”
Nagkaiba-iba kasi ang naging testimonya ni Deniece sa tatlong pagkakataong nagsumite siya ng salaysay sa korte. Ang desisyon ay kinatigan din ni Associate Justice Alfredo Caguiao na siya ring chairperson ng Third Division ng Supreme Court.
Ang kasong iyan ay nauna nang dinismiss ng piskalya sa Makati dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensiya, hanggang sa sinabi nga ng Supreme Court na walang kapangyarihan ang piskalya na mag-dismiss ng kasong kagaya ng rape, at inutusan silang isampa sa korte ang kaso para iyon ang makagawa ng desisyon.
Nang isampa sa korte, mabilis naman silang nagpalabas ng warrant kaya nakulong si Vhong ng ilang buwan din, bago pinayagan ng korte na makapaglagak ng piyansa. Pinapayagan lamang ang mga akusado sa kasong rape na makapaglagak ng piyansa kung sa tingin ng korte ay mahina ang ebidensiya laban sa kanya.
Nang ipagpatuloy nga ang pagdinig, nakita rin ng Korte Suprema ang sinasabi nilang mali sa hga testimonya ni Deniece, kaya
tuluyan nang pina-libre si Vhong sa kanyang kaso.
Maaari pa rin namang magharap ng motion for reconsideration ang kampo ni Deniece, kung may mga bago silang ebidensiyang hindi pa naihaharap sa korte.