ni Ed de Leon
BALIK sa kanyang style noong hindi pa siya sikat, ang isang dating sikat na matinee idol na nangarap ding maging isang international star. Dahil wala naman talagang nangyari sa mga inaasahan niyang international projects at collaboration sa mga international stars na ipinagyayabang niya noong araw. Aba madalas na naman siyang makita sa mga watering holes na istambayan niya dati, noong panahong siya pa ang itinuturing na “car fun king,” bago siya sumikat.
Ang masakit pa, pogi pa rin naman pero hindi na siya “mabili kagaya nang dati kasi matanda na naman siya.”
Dapat siguro ang iniisip niya ay tulungan muna niya ang sarili.