HATAWAN
ni Ed de Leon
NAPANSIN namin, parehong wala na sa mga sinehan sa isang mall malapit sa amin ang dalawang pelikulang “dilawan.” Noon pa namang una, sinasabing baka maalis sila sa mga sinehan dahil sa kakulangan ng
nanonood. Iyong isang pelikula, hindi nga tumagal ng isang linggo sa sinehan, pull out agad.
Itatanong ninyo kung bakit nangyayari ang ganyan? Una, siguro nga sawa na ang mga tao sa ganyang mga kuwento. Ikalawa, walang malalaking box office stars ang kanilang mga pelikula. Ikatlo, siguro nga talagang palpak din ang kanilang promo na puro sa social media mo lamang makikita.
Hindi rin nila naikaila na ang mga pelikula nila ay indie, at dito sa atin hindi kumikita ang mga indie na tinipid ang cost of production at minadali ang pagkakagawa.
Mas pinanonood nga ng mga tao ang mga pelikulang may mga malalaking artista. Hindi natin maikakaila iyan. Isa pa, mukhang bantad na ang mga tao sa mga “hate campaign.” Nagsawa na sila roon sa
linyang “makibaka” na hindi naman alam kung ano talaga ang ipinaglalaban. Wala namang nangyari sa ipinakipaglaban nila sa loob ng 30 taon. Ano nga ba ang silbi ng isang pelikulang indie eh sa loob nga ng 30 taon, sa kabila ng katotohanan na naging
presidente ang kanyang biyuda at anak wala namang nakaalam kung sino nga ang nagpapatay kay Ninoy Aquino. Eh ano pa ba ang kailngan nating panoorin sa isang pelikula?