Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
RS Francisco Frontrow Cares Golden Gays

RS Francisco at Frontrow Cares pinasaya ang mga Golden Gays

MATABIL
ni John Fontanilla

NAMAHAGI ng pagmamahal ang CEO & President ng Frontrow na si RS Francisco  sa pamamagitan ng kanyang Frontrow  Cares sa mga kapatid nating LGBTQ na Golden Gays.

Naging panata na ni RS na tulungan at bisitahin ang mga Golden Gays taon-taon, kaya naman ngayong taon ay muli itong bumisita at namahagi ng mga bagong appliences, mga produkto ng Frontrow, at tulong pinansiyal.

Ang pinansiyal na ibinigay ni RS ay malaking tulong sa mga Golden Gays pambayad sa kanilang upa sa apartment na inuupahan at iba pang gastusin.

Malaking tulong din ang mga bagong appliances na ibinigay sa mga ito lalo na ang mga electric fan lalo’t malapit na ang summer.

Kaya naman sobrang na-touch ang mga Golden Gays sa suporta at pagmamahal na ibinabahagi sa kanila ng Frontrow Cares at ni RS.

Pangako naman ni RS na taon-taon bibisitahin niya at tutulungan ang mga Golden Gays sa abot ng kanyang makakaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …