HATAWAN
ni Ed de Leon
NGAYON, mas maliwanag na sa amin ang buong “scenario.” Wala naman palang balak na mag-artista talaga iyang si Hope, alyas Liza Soberano. Noon palang araw na kinukuhasiya, naging dahilan pa ng away nilang mag-tatay dahil ayaw niya talaga.
Pero nagkaroon ng problema ang kanilang pamilya. Nagkasakit ang lolo niya na mukhang siya nilang inaasahan, at dahil doon hindi siya makabalik sa USA. May nag-alok naman sa kanyang muli na mag-artista, at pumayag na siya, “para mapag-aral ko ang sarili ko,mapag-aral ko ang kapatid ko, at matulungan ang aming pamilya.” Nang mag-artista, siya na ang naging bread winner ng buong pamilya nila.
Kung ang kuwento ngang iyan ang pagbabatayan, talagang hindi pa rin siya masasabing artista, kasi ang pagiging artista niya ay “bread trip” lang. Masasabing dala lang ng mahigpit na pangangailangan. Kung noong una pa inamin na niya iyan, wala sanang problema. Kasi maliwanag kung bakit sinasabing tutol man ang kalooban niya naging sunod-sunuran siya sa mga producer at manager niya, “bread trip” ito eh. Kailangan niyang kumita nang pera. Mahigpit din ang kanilang pangangailangan kaya ayaw man niya ang kanyang ginagawa naging sunod-sunuran siya.
Hindi pala niya trip na maging artista, maitatanong siguro ninyo kung bakit ngayon ay nag-aambisyon pa siyang mapasok ang Hollywood. Ang sagot ay simple “bread trip” pa rin iyan. Siguro ang nasa isip niya, kung naitaguyod niya ang lahat ng pangangailangan ng pamilya niya at higit pa, dahil naibili pa niya ng sariling bahay sa
US ang lola niya, aba mas marami siyang magagawa kung magiging Hollywood star siya dahil mas malaki ang bayaran doon. Pero sinasabi rin niya, makapasok man siya sa Hollywood, na sa tingin namin ay suntok sa buwan, hindi pa rin daw siya mananatili nang matagal na panahon sa showbusiness. Siguro kung kumita na siya at maka-ipon,
aalis na rin siya.
Pagkatapos naming marinig iyan, aba eh parang wala na tayong pinag-usapan. Wala naman pala tayong kailangang pag-usapan dahil “bread trip” lang lahat iyan para kay Hope, alyas Liza Soberano.
Kailan naman kaya niya sasabihing walang nagawa para sa kanya si James Reid?