I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGISING sa realidad si Joseph Marco nang magkaroon ng pandemic sa buong mundo. Eh dahil sa realization na dumating sa kanya noong panahong ‘yon, bibihira lang ang nakaaalam na nagtayo siya ng iba’t ibang negosyo.
“Mabuti na lang at hindi ako magastos!“ sabi ni Joseph sa interview namin ng kasamang Rose Garcia at Ambet Nabus sa Maritess University podcast.
Kaya naman walang masyadong nakaaalam na naging negosyante si Marco noong panahong ‘yon hanggang ngayon.
Sa pahayag ni Marco, nagtayo siya ng laundry, manpower recruitment, at food business. Hangang ngayon eh tuloy pa rin ito at doon siya kumikita ng pang-araw.
Eh kahit tahimik na negosyante, umaarte pa rin si Joseph dahil ipalalabas na sa March 15 ang ginawang movie na Kunwari Mahal Kita kasama sina Ryza Cenon at Nathalie Hart.