ni Ed de Leon
SA mga nagsa-sideline, talaga palang malaki ang kita ng mga “personal appearance” sa mga probinsiya. Kagaya nga ng isang bagets na newcomer, na maski naman sa Maynila ay nagsa-sideline for the right price. Inamin niyang maliit lang ang ibinabayad sa kanya sa mga personal appearance dahil hindi pa naman talaga siya sikat. Pero sa
mga probinsiya raw, basta nasabing artista ka at may hitsura naman, tiyak na may lalapit sa iyo.
Yayayain ka for dinner, at bago ka ihatid kung saan hotel ka nakatigil, dadaan muna kayo sa isang biglang liko, at nandoon ang “malaking business.” Ang mga bading daw sa probinsiya, nagbibigay ng doble sa nakukuha nila sa mga taga-Maynila.
Ganoon pala ang raket nila ngayon.