Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos
Vilma Santos

Ate Vi nagtataglay ng fountain of youth

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG biruan noong isang araw, mukha nga raw ang nakakita sa “fountain of youth” ay si Vilma Santos. Isipin ninyo, anim na dekada na siya sa showbusiness, pero kung titingnan mo ang kanyang itsura, parang lampas 30 pa lang ang edad niya. Kung kumilos siya at magsayaw sa kanyang vlogs ay batam-bata pa ang dating. Hindi siya

gaya ng iba na ano mang tingin ang gawin mo, mukhang pindangga na.

Take note, si Ate Vi rin naman ay hindi nagpa-retoke minsan man. “Takot kasi ako sa operasyon at sa mga iniksiyon kaya hindi ako puwede sa ganoon,” madalas niyang masabi, na totoo naman.

Sabi nga nila, saan daw kaya nakita ni Ate Vi ang fountain of youth na maging ang kastilahg conquistador na si Juan Ponce de Leon ay nabigong matagpuan noong ika-15 siglo?

“Walang fountain of youth, siguro lang napakabait sa akin ng Diyos na nagkaroon man ako ng problema sa buhay, lahat nang iyon ay nakayanan ko at nalampasan kong lahat. Wala akong naging problema sa mga anak ko. Wala rin akong problema sa asawa ko. Hindi ako nagkaroon ng komsumisyon. Nagkaroon ako ng problema sa mga problema ng bayan noong public servant pa ako, pero hindi personal iyon eh, kaya siguro hindi ako affected.

“There was a time, nag-smoke rin naman ako. On occasions umiinom din naman ako ng red wine, but everything is in moderation. Hindi ako nagbisyo talaga.

“Natanim sa isip ko ang sabi ng mga mentor ko. You owe it to the public to look good, kaya iyon naman ang pinagsikapan ko,“ sabi ni Ate Vi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …