Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano

Liza Soberano na-hopia raw sa Spiderman dahil sa ABS-CBN

HATAWAN
ni Ed de Leon

LAKAS ng laugh ko at ang dami, mga 74 yata, roon sa kuwentong kung hindi raw dahil sa kontrata ni Hope na dating Liza

Soberano noon sa ABS-CBN, siya sana ang naging leading lady sa Spiderman

Kinukuha na raw siya para sa pelikula, pero nang malaman ang nature ng contract niya sa ABS-CBN, napalitan siya. Anak naman ng hopia iyang kuwentong iyan. Si Hope, na dating Liza Soberano, na-hopia sa Spiderman dahil sa ABS-CBN.

Siguro sasabihin din na-hopia siya sa role dahil sa nalaman ni Tom Holland na syota niya si Enrique Gil. Teka sino pa ba ang maaaring sisihin?

Pero bakit ngayon pa nagsisisihan sa isang pangyayaring noon pa, bakit ang hindi tanungin kung ano ang nangyari sa career ni Hope, na dating Liza Soberano simula nang gumawa siya ng isang careless move

na lumipat ng management company? Wala siyang pelikula rito, at mukhang umaasa pa siya sa ABS-CBN nang sabihin niyang anim na buwan naman siya rito at anim na buwan lang sa LA. Eh ano na ang nangyari sa kanyang pangarap na maging isang Hollywood star sa ilalim ng management ni James Reid?

Naku, baka nagtatawa ngayon si Nadine Lustre dahil naipag-adya siya sa ganyan kalaking disaster sa kanyang career. Noon naman kasi ang pangarap ni Nadine makilala sa music eh, kaso iyong magpapakilala sa kanya, hindi nga nakagawa kahit na isang hit.

Iyang mga ganyang kuwento, iyan ang relief sa showbusiness kung masyadong seryoso na ang sitwasyon. Basta pinag-uusapan na ang mataas na taxes sa pelikula, ang mga hindi mapigil na mahahalay na pelikula sa internet at iba pang mga problema, pinag-uusapan ang mga nangarap at nagkaroon ng ilusyon na napasok na nila ang Hollywood at tiyak magkakatawanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …