Monday , December 23 2024
Buboy Villar Jelai Andres

Buboy Villar malaki ang utang na loob kay Jelai Andres

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGAL nang gustong maging parte ng Beautederm family ang Kapuso comedian na si Buboy Villar kaya naman nang matupad ito’y walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Kasama si Buboy sa  sampung pumirma sa Beautederm bilang ambassador ng pag-aaring kompanya ni Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Kuwento ni Buboy  matagal na niyang nababalitaan ang pagiging mabait at generous ni Ms Rei na hindi lang ambassadors ang turing sa kanyang mga kinukuhang artista, kundi pamilya at anak-anakan, kaya naman pinangarap nitong maging parte ng pamilya ng Beautederm.

Malaki nga ang pasasalamat nito sa kanyang dancing partner na si Jelai Andres na isinama siya sa event ng Beautederm at nakilala si Ms Rei at doon na nagsimulang mapalapit si Buboy sa CEO at presidente ng Beautederm.

Dagdag pa ni Buboy na malaki ang naging pagbabago ng kanyang hitsura nang gumamit siya ng mga produkto ng Beautederm lalong-lalo na ang Blanc, na gumanda ang kanyang mukha sa religious na paggamit nito at iba pang produkto ng Beautederm.

Kaya naman nagpapasalamat siya kay Ms Rei sa opportunity sa ibinigay sa kanya para mapabilang bilang ambassador at pamilya ng Beautederm.

Bukod kay Buboy ang iba pang  Sparkle artists na pumirma ng kontrata ay sina Sanya Lopez, Rayver Cruz, RuRu Madrid, Cassy Legaspi, Ysabel Ortega, Tia Tomalia, Patricia Tumulak, at Edgar Allan Guzman.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …