MATABIL
ni John Fontanilla
ISA si Anne Curtis sa sumali sa 2023 Marathon sa Tokyo, Japan dahil layunin ng Kapamilya actress na makakalap ng pondo para sa mga batang biktima ng pang-aabuso at karahasan.
Nag-post ang aktres ng picture niya sa Instagram, @annecurtissmith nang matanggao ang kanyang ‘bib’ at ang caption, “Now the scary part. 2 antigen tests to be able to run on Sunday. So many things I have to think of- 1. Be negative on tests. 2. Pass kilometer markers before they start sweeping. 3. Make sure I’m well hydrated starting today because I can’t bring my water bottles with me. 4. FINISH!”
“Please pray for me guys! And just in case you’re feeling generous, you can still donate via the link in my bio. All funds go directly to @unicefphils.”
Pebrero ng taong ito unang inanunsiyo ni Anne ang kanyang pagsali sa marathon pero 2019 pa pala siya nagpasa ng entry. Nakapag-train lamang si Anne nitong nakaraang dalawang buwan dahil nitong January din lang siya nagkompirma ng pagsali.