Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martyr or Murderer

Martyr or Murderer hindi nakapanghihinayang panoorin

MATABIL
ni John Fontanilla

WINNER ang sequel ng mega hit na Maid in Malacanang, ang Martyr or Murderer ng Viva Films na talaga namang pinalakpakan ng mga nakapanood ng premiere night nito last February 27 sa SM North Edsa The Block Cinema 1, 2 and 3.

Grabe ang mga revelation na mapapanood sa movie na umikot ang istorya  sa buhay ng pamilya Marcos matapos silang ma-exile sa Hawaii at nang mapunta ng Morocco si Sen Imee Marcos na ginampanan ni Cristine Reyes.

Napakahusay ni Cristine sa pelikulang ito na nagpa-iyak sa mga taong nakapanood ng premiere night sa isang eksena na dapat tutukan ng mga manonood.

Revelation din dito ang husay sa pagganap ni Ruffa Gutierrez at given naman na magaling talaga sina Cesar Montano, Elizabeth Oropeza, Jerome Ponce, at Beverly Salviejo.

Marami rin ang napahiyaw at umani ng palakpak nang ipakita ang bagong character na gaganap bilang si Presidente BongBong Marcos na si Aga Muhlach.

Worth watching at napakaganda ng pagkakagawa ng Martyr Or Murderer  pero kailangang magdala ng panyo dahil siguradong iiyak ka.

Ang MoM bukod kina Cesar, Ruffa, Cristine ay bida rin sina Ella Cruz at Diego Loyzaga with Isko Moreno, Marco Gumabao, Cindy Miranda, Rose Van Ginkel, Sachzna Laparan, Billy Jake Cortez at marami pang iba.

Napapanood na ang Martyr or Murderer sa mga sinehan nationwide at sa ibang bansa simula  March 10 sa USA, March 9 sa Middle East, March 10 sa Singapore, March 11 at 12 sa Taiwan, at March 11 sa Australia.

Mapapanood din ito sa mga sinehan sa Japan, March 19 sa Tokyo Hibiya, March 26 sa Osaka, April 2 sa Nagoya, Saitama Urawa at Tokyo Hibiya, April 9 sa Hachioji, Tokyo Hibiya at Saitama Kawaguchi.

Abangan din ang pagpapalabas ng movie ngayong Abril sa Hong Kong, Austria, Italy, Greece, at Israel. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …