Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Fr Jeffrey Benitez Quintela

Pari naging kasangkapan sa pagpapakilig ng Arjo-Maine fans

MARAMING tagahanga nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang labis-labis ang naging kasiyahan nang i-post ng paring si Fr. Jeffrey Benitez Quintela ang larawan na kasama ang dalawa sa kanyang Facebook acoount (Jeffrey Benitez Quintela/Facebook).

Sa mga litratong ibinahagi nito ay nilagyan niya ng caption na, “Preparing for FOREVER” na dinugtungan niya ng “#TheInterview.”

Hindi naman klinaro ng pari kung ang naganap na “interview” ay ang “dulog” o ang canonical interview na ginagawa ng Simbahang Katoliko sa mga nagpaplanong magpakasal para matiyak na walang mga balakid sa pag-iisang dibdib.

Pero sa post na ito ay hindi naiwasang kiligin ang mga supportive fan ng dalawa na dali-daling nagbigay ng kanya-kanyang komento at ilan nga rito ay ang mga sumusunod.

“Fr. Jeff, isa-isa mong kinakasal ang mga dabarkads.”

“May forever pag may blessing ni Fr. Jeff.”

“Congratulations in advance.”

“Happy for you Maine. Arjo please take good care of her.” (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …