Monday , December 23 2024
Joel Lamangan
Joel Lamangan

Direk Joel tutol na pakialaman ng MTRCB ang mga streaming outlets 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAKARATING kay direk Joel Lamangan  nang ipatawag ng MTRCB ang Viva Films para pag-usapan ang pagpasok ng departamentong pinamamahalaan ni Lala Sotto sa streaming outlets.

Sa post ni direk Joel sa kanyang Facebook, sinabi niyang tutol siya na pakialaman ng MTRCB ang outlets na ito.

Bahagi ng post ng director, “Magkaroon lamang ng self-regulation at hayaan ang mga ito ang magpatupad ng nasabing regulation.

“Ito ay isang mahusay na paraan upang maisaayos ang hinahangad ng maraming manlilikha na hindi pakialaaman ng anuman institusyon ang lilikhaing obra.”

Kontra rin ang premyadong director na sumailalim ang Netflix, Primde video sa MTRCB.

Wala sa mandato ng MTRCB ang pakikilalam sa mga streaming platforms!” dagdag pa ni direk Joel.

Pero kahit kontra sa aspetong ito ang director, hindi naman napag-iinitan ang ginawang movie na Oras de Peligrodahil balita namin, R-13 without cuts ang rating nito.

Nagkaroon na ng screening ang movie ni Joel na katapat sa March 1 ng movie ni Darryl Yap. Invited kami sa premiere night nito at ibabalita namin kung may sagot siya sa huling pahayag ni direk Darryl noong presscon ng Martyr or Murderer.

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …