Sunday , December 22 2024
Nora Aunor Boy Abunda

Ate Guy tatlong minutong namatay

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI nagdalawang-isip si Nora Aunor na ikuwento ang paglabas-pasok niya sa ospital dahil sa isang karamdaman. Tatlong minuto siyang namatay.

Ayon kay Ate Guy nang mag-guest ito sa show ni Kuya Boy Abunda (Fast Talk with Boy Abunda). “Hindi ko alam kung puwede kong sabihin, pero namatay na ako nang three minutes. Itong mga nakaraan lang. 

“Ngayon ko lang sasabihin ito. Ang nangyari kasi, madalas akong nagkakasakit–ilalabas ako ng ospital sa gabi, madaling araw ipapasok na naman ako ulit.

“May insidente na sabi ko, ‘Halika na, kasi bumababa na naman ang oxygen.’ So takbo na naman sa ospital.

” Sabi ko, ‘Oxygen lang ang kailangan ko.’ Ang nangyari, hindi ko alam, walang tumulong, hindi minadali na lagyan ako ng oxygen.

“Humiga ako, hindi ko na alam kung ano ang nangyari. So paggising ko, nandoon na ako sa emergency room!” ani Nora.

Ang mga kasamahan daw ni Ate Guy ang nagsabi sa kanya na tatlong minuto siyang namatay pero mabuti at na-revive.

Sabi nga nila sa akin, ang suwerte mo mahal ka ng Diyos kasi ibinalik ka Niya. 

“Siguro ang misyon mo hindi pa tapos. Mayroon ka pang dapat gawin,” pahayag ni Ate Guy.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …