Monday , December 23 2024
Sam Verzosa Willie Revillame

Sam Verzosa thankful kay Willie Revillame

MATABIL
ni John Fontanilla

MALAKI ang pasasalamat ng successful businessman, philanthropist, at ngayon ay host na ng kanyang sariling show na Dear SV si Sam Verzosa Jr. sa Kapuso actress/host na si Rhian Ramos dahil binibigyan siya nito ng tips sa hosting.

Tsika ni Sam, “Sinusuportahan niya ako, sinusuportahan niya ‘yung show. Sa kanya ako minsan humihingi ng tips about hosting kasi bago ako rito.

“Ang galing-galing niyang mag-host, ang tagal-tagal na niya rito sa showbiz. Ako, bago ako rito.

Marami ngang itinanong si Sam kay Rhian about hosting. “Nagtatanong ako sa kanya, ‘Paano ba? ‘Di ko alam kung ano ang magiging hitsura ko sa camera. Paano ba kumausap ng mga tao lalo na ‘pag mabigat ang mga pinagdadaanan?’

“Magaganda naman ang mga payo niya sa akin. Mayroong magagandang tutorial kasi ang hosting depende rin kasi ‘yan sa show. Heto may pagkaseryoso.

“Lagi niyang sinasabi sa akin noon, ‘Just be brave to say whatever comes first to mind.

“Huwag kang mahiya kasi along the way, lalabas at lalabas ang tunay na sarili mo.”

Sinabi rin nito na magkaiba sila ni Willie Revillame pagdating sa pagtulong at pagiging host, dahil mas marami nang natulungan si Willie at ‘di matatawaran ang husay mag-host.

Nagpapasalamat nga ito kay Willie dahil sa tulong at advices na ibinibigay nito sa kanya.

Iba ako, iba si Kuya Wil (Willie Revillame), iba ang ganitong host. You are your own. Very grateful na marami siyang naitulong at naibigay na advice sa akin.” 

Napapanood na ang Dear SV saCNN Philippines.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …