Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ako si Ninoy

Ako Si Ninoy premiere night SRO

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY successful ang naganap na premiere night ng inaabangan at controversial movie na Ako Si Ninoy na ginanap sa Rockwell Cinema last Saturday, February 18 na tumatalakay sa ilang bahagi ng buhay ni dating Senator Ninoy Aquino.

Punompuno at standing room only ang Cinema 7 ng Power Plant Mall Sa Rockwell Center, Makati City.

Ang Ako Si Ninoy ay pinagbibidahan nina JK Labajo nbilang si dating Sen Ninoy AquinoSara Holmes bilang dating Pangulong Cory Aquino. Napakagaling ni JK bilang si Ninoy at very convincing ang portrayal ni Sara bilang si Cory. Standout din ang performances nina  Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, John Re Rivas, Nicole Laurel, Sarah Javier, Marlo Mortel, Lovely Rivero, Pinky Amador, Donita Nose, Brylle Mondejar, Sharmaine Suarez, Tueday Vargas atbp. hatid ng Philstagers Films sa direksiyon ni Vince Tañada.

Nag-enjoy kami sa kabuuan ng pelikula na bukod sa istorya ni Sen. Ninoy ay maganda din ang bawat istorya ng 11 fictional characters na sumisimbolo sa iba’t ibang sektor sa lipunan na inire-represent ang pagiging isang Ninoy Aquino.

Mula kina Noli, Ivy, Ms Nunez, Oscar, Yosef, Andeng, Quenin, Dr. Ungria, Ingrid, Nanding, at Orborne. Habang naibigan naman namin ang mga ginamit na kanta sa movie lalong-lalo na ang very touching na pagkakanta ni JK ng Buwan na halos karamihan ay ‘di naiwasang maluha.

Kaya naman sa husay na ipinamalas ni JK sa Ako Si Ninoy ay hindi malabong humakot ng best actor nomination manalo pa sa mga award giving bodies sa susunod na taon.

Napakaganda ng pelikulang Ako Si  Pinoy, mahuhusay ang mga artista at kapupulutan ng aral. Kaya naman karapat-dapat na panoorin simula February 22 sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …