HATAWAN
ni Ed de Leon
NGAYON pinalalabas pa nilang si Luis Manzano ang wanted sa NBI dahil sa reklamo ng ilang investors ng Flex Fuel, ganoong hindi pa man sila nagsisimulang umangal, hiningi na ni Luis na imbestigahan ng NBI ang kompanya noon pang Nobyembre ng nakaraang taon, at umalis na siya sa kompanya noon pang 2001.
Bakit hindi kung sino ang top man at CEO ng kompanya ang kanilang habulin at si Luis ang kanilang pinag-iinitan, eh iyong tao nga nawalan din ng P66-M sa nasabing deal at biktima ring kagaya nila.
Ang tanging pagkakamali lang ni Luis ay sobra siyang nagtiwala sa isang kaibigan niya simula noong mga bata pa sila. Pero noong makahalata siya, kumalas na rin siya agad kahit hindi pa niya nababawi ang kanyang puhunan.
Tapos ngayon palalabasin pang wanted si Luis? Hindi naman nagtatago iyong tao. Hindi naman siya fugitive. Naghahabol nga rin siya.